Negatibong epekto ng K to12 program Magdadalawang taon na simula ng ipatupad ang programang K to 12 pero marami pa rin sa atin ang hindi tanggap ang bagong sistemang ito ng edukasyon kahit ngayon naipatupad na. Kabilang dito ang mga ibang guro, estudyante, magulang at ibang mambabatas. Para mas malaman natin kung ano nga ba ang K to 12 program at kung bakit hindi tanggap ng ibang mamamayan ay maglalahad ako ng impormasyon ukol dito. Ang Kto12 Program ng gobyerno ng Pilipinas ay tumutukoy sa pagkakaroon ng mandatory o required na kindergarten at karagdagang 2 taon sa 10-year Basic Year Cycle. Kung noon, pagkatapos ng anim na taon sa elementarya at apat na taon sa hayskul (kabuuang 10 taon) ay maaari nang makapagkolehiyo ang mga estudyante. Sa ilalim ng Kto12, bago makapagkolehiyo, kailangan pa nilang dumaan sa karagdagang 2 taon pagkatapos ng apat na taong hayskul. Sa bagong Sistema, tinatawag na senior high school o junior college ang karagdagang 2 taon. Ang apat na taon s...
Mga Post
Ipinapakita ang mga post mula sa Setyembre, 2017