Negatibong
epekto ng K to12 program
Magdadalawang taon na simula ng ipatupad ang programang K to 12 pero
marami pa rin sa atin ang hindi tanggap ang bagong sistemang ito ng edukasyon
kahit ngayon naipatupad na. Kabilang dito ang mga ibang guro, estudyante,
magulang at ibang mambabatas. Para mas malaman natin kung ano nga ba ang K to
12 program at kung bakit hindi tanggap ng ibang mamamayan ay maglalahad ako ng
impormasyon ukol dito.
Ang Kto12 Program ng gobyerno ng Pilipinas ay tumutukoy sa pagkakaroon
ng mandatory o required na kindergarten at karagdagang 2 taon sa 10-year Basic
Year Cycle. Kung noon, pagkatapos ng anim na taon sa elementarya at apat na
taon sa hayskul (kabuuang 10 taon) ay maaari nang makapagkolehiyo ang mga
estudyante. Sa ilalim ng Kto12, bago makapagkolehiyo, kailangan pa nilang dumaan
sa karagdagang 2 taon pagkatapos ng apat na taong hayskul. Sa bagong Sistema,
tinatawag na senior high school o junior college ang karagdagang 2 taon.
Ang apat na taon sa hayskul sa lumang sistema ay tinatawag naming junior high school. Sa kabuuan, Grade
1-12 ang opisyal na tawag sa 12 taon ng Basic Eduction sa ilalim ng Kto12.
Sa pagpapalit ng presidente(at panibagong DepEd secretary), nagbabago-
bago ang sistema ng ating edukasyon. Noong si Presidente Arroyo pa lamang, BEC
o Basic Education Curriculum ang ating
gamit gamit. Ngunit, nang nagsimulang umupo si Presidente Aquino, nagbalak ito
na baguhin ang kurikulum sa ating bansa. Ito ay tinatawag niyang K+12 o Kinder
patungong dalawampung taong basikong edukasyon.
Dahil sa iba’t-iba ang naging presidente natin, iba-iba rin ang hangarin
nila para sa iba’t-ibang aspeto ng lipunan. Nagkataong pina-implementa ni P-Noy
ang kurikulum na ito dahil ng pangunahin niyang layunin ay ang pagiging “globalisado”
ng buong kapuluan. Dahil sa layuning ito, ipinatupad niya ang Kto12.
Maraming problema nang agad na ipinatupad ang mandatory kindergarten:
kulang ng silid-aralan, kulang ng guro at mababa lang din ang sweldo ng mga guro sa kindergarten. Ngayong School
Year 2012-2013, ayon sa ACT Techers Partylist, kulang ng 132,483 guro, 97,685
silid-aralan at 153,709 pasilidad sa tubig at sanitasyon ang mga pampublikong
paaralang elementarya at hayskul sa Pilipinas. Mismong ang Department of
Education ay umamin na may kulang pa ring guro at pasilidad ang mga
pampublikong paaralan dahil sa kakulangan ng pondo.
Dahil sa kakulangan ng badyet para sa sector ng edukasyon, hindi pa rin
natutugunan ng gobyerno ng mga kakulangan sa batayang mga pangangailangan ng
mga paaralan. Tinatayang nasa 23,928,335 ang kulang ng mga libro at modules,
nasa 57,167 na guro, nasa 112,942 klasrum, at maging ng mga paaralan. Dahil sa
walang pasilidad ang gobyerno para sa mga papasok sa senior high school, sa
pribadong paaralan sila itutulak ng Kto12 at hindi ito magiging libre.
Inilarawan ni Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV ang programa
bilang magastos at mapanganib na experiment na lalong magpapalala ng mga
problemang kinakaharap ng sector ng edukasyon, partikular na ang malalang
kakulangan sa mga guro at silid-aralan. Ang naturang programa ay dagdag gastos
hindi lamang sa pamahalaan kundi lalo sa mga magulang ng mga mag-aaral.
Nagbabala rin si Trillanes na ang programang Kto12 ay magreresulta
lamang sa mas maraming drop-outs lalo na at may pag-aaral na sa bawat 100 na
estudyante na pumapasok sa Grade One, 43 sa mga ito ang nakatapos ng hayskul at
halos 14 lamang ang grumagradweyt ng kolehiyo sa ilalim ng kasalukuyang Sistema
ng Basic Education sa bansa. Ayon din sakanya, kaduda-duda din ang argumento na
ang isang 18 year old na magtatpos sa ilalim ng programa ng Kto12 ay magiging
“employable” kahit walang college degree.
Inorganisa
ang isang panawagang isuspende ang pagpapatuloy ng K to 12 Program sa Liwasang
Bonifacio noong Mayo 9. Kabilang sa mga dumalo rito ang ilang partido tulad ng
K to 12 Suspend Coalition, Alliance of Concerned Teachers (ACT), Ating Guro
Partylist, Sentro, at Magdalo. Nakilahok rin sa protesta sina Senador Antonio
Trillanes IV at Congressman Antonio Tino.
Sa naturang protesta, ipinahayag ng mga dumalo ang kanilang samo’t saring pananaw ukol sa pagpapatupad ng K to 12 sa bansa. Sa panayam ng Ang Pahayagang Plaridel kay Rep. Tino, binaggit niyang dagdag pasanin lamang sa mga kabataan ang dalawang taong pag-aaral ng kursong bokasyon o TESDA courses sapagkat matatagalan pa sila bago makapag-aral sa kolehiyo. “Sa K to 12 Program, nawawala ang [basic] right of education ng mga bata dahil pinipilit [silang] kunin ang ilang kursong [gayong ang] kababagsakan lamang nila ang pagiging isang kontraktwal na manggagawa.

Kinondena
naman ni ni Atty. Sonny Matulo, lider ng Federation of Free Workers, ang
programa sapagkat naniniwala siyang hindi maganda ang tunay na motibo ni
Pangulong Aquino sa pagpapatupad nito. “Layunin [kasi] ng pamahalaang Aquino na
i-export ang mga gradweyt sa K to 12 dahil may kasunduan siya[ng magpapadala ng
mga manggagawa] sa ilang malalaking korporasyon sa ibang bansa,” ani Matula.
Nakikita ring isang problematikong reporma ang programa dahil kulang ito sa paghahanda gayong mayroon pa ring kakulangan sa mga pasilidad ang mga pampublikong paaralan. Bukod sa hindi pa handa ang bansa sa K to 12 Program, nanganganib ring mawalan ng hanap-buhay ang 80,000 na guro. Binaggit ni Tino na kapakanan ng mag-aaral at guro ang dapat na pangunahing layunin ng Department of Education (DepEd). “[Mas] mainam ng bigyang pansin ang pangangailangan ng guro upang ganahang magturo at makapagbigay ng magandang edukasyon [sa mga bata],” ani Tino. Bukod pa rito, posibleng hindi kayanin ng mga mamamayan ang dagdag na gastusin na kalakip ng K to 12.

Sa programang ito, inaasahang magiging opsyon na
lamang ng kabataan ang pagpasok sa kolehiyo. Mababawasan ang mga gustong
pumasok sa mga unibersidad na magiging hudyat ng lalong pagbawas sa badyet ng
edukasyon.
Ayon sa National Union of Students of the
Philippines (NUSP), sa tuwing nagtataas ng matrikula ang State Colleges and
Universities (SUCs), lalong lumalakas ang loob ng pribadong mga pamantasan na
itaas ang kanilang matrikula at iba’t ibang “malikhaing” bayarin sa porma
ng miscellaneous fees.
Samantala, bago pa man mapilitan ang mga magulang
na ipasok sa kindergarten at junior high school ang
kanilang mga anak, baon na sila sa mabibigat na bayarin. Bagamat libre ang
pampublikong edukasyon sa elementarya, mangangailangan pa rin ang isang
mag-aaral ng P20,000 para sa gastusin sa pamasahe, gamit sa eskuwela at pagkain
para sa buong taon, kuwenta ng League of Filipino Students.
Sa sarbey ng Family Income and Expenditures Survey,
napag-alamang mas pinipili ng pamilyang Pilipino na paglaanan ng panggastos sa
pagkain at iba pang pang araw-araw na pangangailangan higit sa pangangailan ng
kabataan sa paaralan o papasukin pa sa paaralan.
Batay sa mga dahilang ito, masasabing sa ilalim ng
K+12, taun-taong di-maiiwasan at mananatiling mataas ang bilang ng dropouts at out-of-school
youths dahil sa mababang paglalaan sa edukasyon, pagtaas ng mga
batayang bilihin, pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin sa paaralan, at
hindi gumagalaw na sahod ng nagtatrabahong mga mamamayan.
SANGGUNIAN:
http://pinoyweekly.org
Plaridel.ph

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento