Pangarap
Ang edukasyon ang
tanging yaman na maibibigay ng mga magulang sa kanilang anak na hindi nanakaw
sino man. Ang edukasyon ang isa sa mga maraming sandata para mag tagumpay sa
buhay. At ang edukasyon ay puwedeng maging instrumento para makatulong hindi
lang sa ating pamilya kundi pati sa ating mga kapwa tao.
Tinititigan ko ang aking larawan noong grumadweyt ako ng
hayskul at naalala ko ang taong naging inspirasyon ko kung bakit masaya ako sa
araw na ito at kung paano nabago ang pananaw ko sa buhay. Ika- 26 ng Marso
taong 2008 ito ang araw ng aming pagtatapos sa sekondarya. Halo- halong emosyon
ang aming nadarama sa araw na ito. Masaya dahil sa apat na taong pagsususumikap
ay nakapagtapos na kami at nalagpasan na namin ang isang yugto ng pag-aaral.
Malungkot naman dahil iiwanan na namin ang aming naging pangalawang tahanan ng
apat na taon at gagawa ng panibagong alaala.
“Nais kong ipakilala
sa inyo ang ating pangunahing pandangal sa araw na ito. Siya ay nagtapos ng
sekondarya dito sa ating paaralan ng may honor dahil sa kanyang pagsususumikap
sa pag-aaral noon. Ngayon siya ay Manager ng isang branch ng China Bank at
mayroon din siyang pinatayong sariling Spa na pinangalan niyang Seven Days.
Siya rin ay aktibo sa simbahan na kung saan tuwing linggo ay may aktibidad sila
na tungkol sa pananalig at pagtitiwala sa Diyos. Pinapakilala ko sa inyo walang
iba kundi si Mr. Bernie Pacleb.” Pagmamalaking pagpapakilala ng aming punong
guro.
“Maraming salamat po
Ma’am.” Tugon naman ni Berny.
“Magandang hapon po
sa inyong lahat. Bago ko umpisahan ang aking pagsasalita nais ko munang batiin
ang mga mag-aaral ngayon ng maligayang pagtatapos. Bago ko narating ang mga
magagandang natatamasa ko sa aking buhay ngayon ay marami akong naranasan na
paghihirap noon. Simula noong pinanganak ako hanggang ngayon ay hindi ko pa
nakikilala ang aking ama. Mag-isa ang aking ina sa pagtatagayod sa akin noong
bata ako. Ginagawa niya ang lahat para sa aking pag-aaral katulad na lang ng
pagbebenta niya ng arozcaldo, paglalabandera at pagtatanim ng tabako noon.”
Pagkatapos ko marinig
ang mga salitang iyon ay tinignan ko ang kinaroroonan ng aking ina at bigla na
lang may tumulo na luha sa aking mga mata. Katulad ng aking ina ang kanyang ina
na ginagawa ang lahat para makapag-aral lang ako. Tinitiis ang pagod, hirap at
lungkot alang-ala sa akin na kanyang anak. Nagpatuloy akong nakinig sa mga
sinasabi ng aming pangunahing pandangal.
“Noong elementary ako
ay palaging nilintang isda ang aking baon dahil iyon lang ang kayang bilhin ng
aking ina. Sa araw-araw na ito ang aking ulam ay nagsawa na ako kaya minsan
tinatapon ko ito, ang demanding ko diba? Kala mo naman kung mayaman hahaha.
Pero noong nag hayskul na ako ay dito ko na naramdaman ang kagustuhan ko
mag-aral dahil sa kalayuan ng paaralan ay kailangang sumakay at magpamasahe
pero wala kameng pera para sa aking pamasahe kaya umisip ako ng paraan. Pumasok
ako sa simbahan para maging helper kapalit ang kaunting pera na ginamit ko sa
aking pang araw-araw na pag-aaral, minsan nakakatulog na rin ako sa simabahan
dahil sa pagod sa pagtratrabaho at pag-aaral. Pero kulang ang nakukuha kong
pera sa simbahan kaya naglakas loob akong humingi ng barya sa mga matatanda sa amin. Sa aking pagtitiyaga ay
nakapagtapos ako ng hayskul dito at nagkaroon ng honor.”
Habang kinukuwento ng
aming pangunahing pandangal ang kanyang buhay ay nagsimula ng pumatak ang
kanyang luha. Ramdam ko ang kanyang nararamdaman sa araw na ito dahil minsan ko
na rin itong naranasan sa aking buhay katulad na lang ng paulit-ulit ang ulam
dahil walang perang pambili at ang minsan kong paghingi ng pera sa aming
kapitbahay dahil walang maibigay ang aking ina. Ipinagpatuloy pa rin ng aming
pangunahing pandangal ang kanyang pagkukuwento sa kanyang buhay kahit na ito ay
naiiyak na.
“Gusto kong
ipagpatuloy ang aking pag-aaral, sa tulong ng aking tita at ang kanyang asawa
ay nakapasok ako sa isang kilalang pribadong paaralan dito sa ating probinsya
at kumuha ng kursong Accountancy. Hindi pa rin diyan natatapos ang aking
paghihirap bilang estudyante noon dahil kulang ang pera namin sa aking
pag-aaral ay nagtrabaho ako bilang taga walis ng bakuran ng aming kapitbahay na
minsan tumubos sa aming lupa sa bangko. Wala rin kaming ilaw noon kaya kapag
gagawa ako ng assignment, magrereview para sa exam at maglaba ng aking uniporme
sa gabi ay pinagtitiisan ko ang isang maliit na kandila. Ginagawa ko pa rin
hanggang noong kolehiyo ako ang paghingi ng barya sa mga matatanda sa amin na
sakto lang sa aking pamasahe pero pinagtiyatiyagaan ko na lang kahit wala na
akong pangkain ay pumapasok pa rin ako. Malapit na ang araw ng aking pagtatapos
akala ko ayos na ang lahat pero may isang pagsubok pa pala at iyon ay wala
akong pagbayad sa aking mga babayarin akala ko hindi na ako makakamartsa pero
inisip ko na ito na ang araw ng aking pagtatapos kaya gagawain ko ang lahat.
Pagkatapos ng aking pasok sa hapon ay nagtatrabaho ako at kahit araw ng exam ay
nagtatrabaho pa rin ako para may pangbayad. Sa tulong din ng aking kamag-anak
ay nakabayad ako at nakapagmartsa. ”
Namangha ako sa kanyang
sinabi na mula unang taon at sa kanyang ikaapat na taon sa pag-aaral ay wala
kahit ni isa siyang naibagsak na subjek. Kahit pala gaano ka nahihirapan sa
pag-aaral at sa buhay kung talagang pursigido kang makapagtapos ay
makakapagtapos ka.
“Naghanap ako ng
trabaho at nabigyan naman ako kaagad pero kulang ang aking sweldo para sa akin
at sa aking kamag-anak kaya nagdesisyon akong mag resign at humanap ng bagong
bangkong pagtratrabahuan. Natanggap ako sa China Bank maliit pa rin ang sweldo
kaya nagpursigido na lang akong magtrabaho at sa aking pagpupursige at nakita
nila ang aking kasipagan at naipromote ako bilang manager ng isnag branch ng
China Bank. Ngayon ay kaya ko ng bilhin ang lahat ng gusto ko pero hindi ko pa
rin nakakalimutan ang mga taong tumulong sa akin noong nag-aaral pa lang ako.
Dito na nagtatapos ang aking pagkukuwento sa aking buhay sana’y maging
inspirasyon at maging aral ito sa inyo upang magpursige sa pag-aaral. Kahit ano
man ang mga pagsubok na nakakaharap n’yo sa buhay ay kumapit lang kayo sa Diyos
at maging matiyaga, masipag at mapamaraan para makamit n’yo ang inyong mga
panagarap sa buhay. Sana’y paglipas ng ilang taon ay makikita ko kayong isa ng
propesiyonal at matagumpay sa buhay. Muli Magandang hapon at maligang
pagtatapos batch 2008-2009.”
Dito na nagtatapos
ang aking pagiimagine ng pagtatapos ko noong hayskul. Pinahid ko ang luhang
pumatak sa aking mga mata at nagpaalam sa aking tita na ako ay may pupuntahan
lang. Sumakay ako ng jeep na suot-suot pa rin ang aking toga at dala ang aking
diploma. Tinititigan ako ng mga tao pero wala akong pakialam. Bumaba ako sa
gilid ng kalsada at nagpatuloy ako papunta sa aking pupuntahan. At sa ilang
minutong paglalakad ay nakita ko na ang dahilan ng aking pinuntahan. Binaba ko
ang dala kong bulaklak, diploma at sinindihan ko ang kandila.
“Ma, mas masaya sana
kung nandito ka, na ikaw ang aking kasama sa pag-akyat sa stage pero kahit
ganito man ang nangyari ay masaya pa rin ako at alam kong masaya ka rin kung
nasaan ka man ngayon. Ma ito na, ito na yung pangako ko sa iyo na
makakapagtapos ako ng pag-aaral. Ma ito na ang simula kahit wala ka sa aking tabi
gagawin ko pa rin at makukuha natin ang mga pinapangarap natin noon. Hindi mo
man masabi ng harapan na proud ka sa akin ngayon ma ramdam ko naman at proud
rin ako sa iyo dahil kung hindi dahil sa inyo wala ako ngayon dito na nakasuot
ng toga at may diploma. Mahal na mahal kita Ma. We will see each other at the
right time.” Ito na lang ang nasabi ko sa puntod ng aking ina habang umiiyak.
Bigla ko na lang naramdaman ang malamig na hangin na yumakap sa aking likuran.
Mr. Bernie
Pacleb
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento