Alaala
Sabi nila kapag mahal mo gagawin mo ang lahat gaano man ito kahirap. Pero hanggang saan ang kaya mong gawin sa taong mahal mo na hindi ka na maalala.
“Sino ka? Anong pangalan mo?”
Sabi nila kapag mahal mo gagawin mo ang lahat gaano man ito kahirap. Pero hanggang saan ang kaya mong gawin sa taong mahal mo na hindi ka na maalala.
“Sino ka? Anong pangalan mo?”
“Ako si Mae, asawa mo
ako at may isang anak na tayo si Sophia.”
“Asawa kita? Paano?”
“Ganito ang relasyon
natin mahal, teka at ikukuwento ko.”
May dalawang estudyante na magkasalungat sa lahat ng bagay pero sa hindi inaasahang
pangyayari sila ay nagtagpo pero itinadhana. Sila ay nag-aaral sa
pribadong paaralan at sila ay nasa sekondarya na. Si Mae ay wala sa kanyang
katangian ang pinapangarap ng mga lalaki katulad ng magandang mukha, sexy na
katawan, kaputian at ang tanging maipagmamalaki na lang n’ya ay ang kanyang konting
katalinuhan. Lagi rin siyang
nahuhusgahan dahil sa kakaibang itsura n’ya at para siyang hangin na hindi
nakikita. Kabaligtaran naman ito ni Randy, siya ay gwapo, singkit ang mga mata,
kulot ang buhok, maputi, matalino lalong lalo sa math at siya rin ay player ng
chess dahil sa katangian niyang ito maraming nagpapantasya sa kanyang mga
babae.
Pagkaraan ng isang
taon, sila ay nasa ikalawang baitang na sa sekondarya at sila ay magkaklase. Sa
una ay walang pumapansin kay Mae pero sa pagiging mabait at masayahin n’ya ay
nagkaroon siya ng mga kaibigan. Sa paglipas ng mga buwan, nakikilala ni Mae ang
tunay na ugali ni Randy dahil dito tumibok ang puso n’ya sa binata. Lagi na
silang magkatabi sa klase, lagi silang nag aasaran at lagi na silang
nagtutulungan sa mga aktibidad at gawain sa paaralan. Dahil sa prensensya ni Randy ay lagi ng pumapasok ng maaga si Mae, nagiging aktib na rin siya sa klase
at marunong na siyang mag ayos ng kanyang sarili. Habang lumilipas ang mga araw
ay mas lalo nagugustuhan ni Mae si Randy. Sinabi rin ni Mae sa kanyang sarili na
gagawin n’ya ang lahat para maging sila, na gusto n’ya si Randy na ang kanyang
una at huling lalaking mamahalin n’ya.

Ginagawa lahat ni Mae
para mahalin din siya ni Randy kahit nagiging tanga na ito, pero kahit ano man
ang gawin n’ya ay hindi pa rin maibalik ang gusto ni Mae na mahalin siya ni Randy. Hanggang isang araw, nabasa ng mga kaklase nila ang sinulat ni Mae sa
kanyang notbuk na mahal n’ya si Randy. Pinabasa nila ito kay Randy at walang
siyang reaksyon, dahil sa nangyaring ito lumayo na ang loob ni Randy kay Mae.
Hindi n’ya na ito inaasar, hindi n’ya na rin ito pinapansin at hindi na n’ya
ito kinakausap kung hindi man kinakailangan. Pero wala man lang nangyari kay
Mae pinagpapatuloy n’ya pa rin ang kanyang ginagawa. Natapos ang ilang taon,
sila ay nasa huling baiting na sa hayskul hindi na magkaklase si Mae at si Randy. Si Mae ay nasa star section samantalang si Randy naman ay nasa pangatlong
section pero kahit ganon man ang nangyari hindi pa rin nawawala ang pagmamahal
ni Mae kay Randy, pinagpapatuloy n’ya pa rin ang nasimulan n’ya. Isang araw,
nabalitaan ni Mae na may kasintahan na si Randy pero hindi siya naniniwala dahil
hindi n’ya pa napapatunayan na meron nga. Hanggang nakita n’ya sa labas ng
kanilang eskwelahan na magkasama sila at ang sweet nila sa isa’t isa. Umuwi si
Mae at dumiretso sa kanilang CR at doon na n’ya nilabas ang lahat ng kanyang
nararamdaman, iyak siya ng iyak dahil sa sakit at tumahan na lang ito dahil
naisip n’ya na bakit siya umiiyak, bakit siya nagkakaganon, eh wala naman siyang karapatan na masaktan dahil wala naman
silang relasyon na kaibigan lang ang turing sa kanya ni Randy.
“Hi Mae, musta ka na?"
“Hoy Mae, ayos ka
lang ba? Tulala ka diyan ah. Ano nangyayari sa iyo?
“Hoy Mae, Mae,
Maeeeeeeeeeeee!
“Ano ba!? Ano bang kailangan
mo!?
“Wala naman,
kinakamusta lang naman kita, bawal ba?”
“Hindi naman, sige na
may gagawin pa ako.”
“Bakit mo ba ako
iniiwasan? May nagawa ba akong mali?”
“Wala naman. Sige
na.”
“ Ah, alam ko na,
dahil may kasintahan na ako kaya iniiwasan mo na ako.”
“ Iyon nga may
kasintahan kana. Kaya umiiwas ako kasi ayaw kong masaktan kahit nasasaktan na
ako ngayon kasi mahal kita, oo mahal na kita. Ano masaya?”
“Sorry, Sorry Mae!”

Lumipas ang limang
taon. Nagtatrabaho na sa isang pribadong paaralan si Mae bilang guro at si Randy naman ay nagtatrabaho sa kanilang restaurant bilang waiter na taliwas sa
kanyang kinuhang kurso na Information Technology. Hindi pa nagkakaroon ng kasintahan
si Mae at si Randy naman ay nagkaroon lang ng isang kasintahan. Sa hindi
inaasahang pagkakataon, pinagtagpo sila ng tadhana.
“Long time no see Mae.
Kamusta ka na?”
“Ok lang naman ako.
Ikaw?
“Ok lang din. Busy ka
ba?”
“Hindi naman. Bakit?”
“Ayain sana kita
magkape. Pwede ba?”
“Oo naman. Tara!”
Pumunta sila sa
starbucks at doon na nila pinagpatuloy ang kanilang pagkukuwentuhan. Niligawan
ni Randy si Mae at paglipas ng ilang buwan ay sinagot na n’ya ito. May saya,
lungkot, tampuhan, awayan, hiwalayan at batihan ang kanilang relasyon pero
hindi sila sumusuko bagkus mas tumatatag ang kanilang relasyon. Buntis na rin
si Mae kaya sa tatlong taon na sila’y magkasintahan ay napagpasyahan nilang
sila ay ikasal. Marami silang plano sa kanilang kasal katulad ng sino ang
kanilang mga ninong, ninang at mga abay. Kung saan sila kakasal, kung anong
kulay ang damit ng kanilang mga abay at kung anong pagkain ang ihahanda nila.
Naplano na ang lahat at ilang buwan na lang ang hinihintay nila para sa
kanilang kasal. Pero mapagbiro ang tadhana, nabangga ang minamanehong sasakyan
ni Randy ng isang trak at sa awa ng Diyos ay nabuhay siya pero napuruhan ang
kanyang ulo kaya nawalan siya ng mga alaala o tinatawag na may amnesia siya.
“Kaya ka nandito at
wala kang maalala dahil sa nangyari.”
“Ay, salamat sa
pagkukuwento. Sorry dahil nahihirapan ka na sa akin, kung hindi mo na kaya
pwede mo na akong iwan at bahala na ang pamilya ko sa akin pero sana huwag mong
gawin, sana huwag mo akong sukuan at iwan dahil hindi ko makakaya kapag wala ka
sa tabi ko.”
“Hinding- hindi kita
susukuan at iiwan. Huwag kang mag-alala nandito lang ako sa tabi mo. Mahal na
mahal kita.”
Minsan gusto nang sumuko ni Mae, gusto na niyang iwanan si Randy dahil araw- araw na lang pinapaalala ni Mae kung sino siya, kung anong relasyon nila ni Randy pero kapag nakikita n'ya ang kanilang anak ay bumabalik siya sa kanyang sarili na gagawin n'ya ang lahat para bumalik sa dati.
Minsan gusto nang sumuko ni Mae, gusto na niyang iwanan si Randy dahil araw- araw na lang pinapaalala ni Mae kung sino siya, kung anong relasyon nila ni Randy pero kapag nakikita n'ya ang kanilang anak ay bumabalik siya sa kanyang sarili na gagawin n'ya ang lahat para bumalik sa dati.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento