
Sasaya pa ba? Masaya at matiwasay na namumuhay sina Fatima sa maynila kasama ang kanyang ina, ama at ang kanyang kuya John. Si Fatima ay nasa third year high school sa isang pribadong paaralan sa kanilang luagr. Siya ay maganda, maputi, matalino, palakaibigan at masipag masasabi ngang nasa kanya na ang lahat at napakaswerte ng taong mamahalin niya dahil mahusay siya sa mga gawaing bahay. Ang kanyang kuya John naman ay parehas na parehas sila ng katangian siya din ay gwapo, masipag at matalino. Siya ay nag-aaral at nasa second year college sa Architecture. Siya din ang tipo ng taong bahay eskwelahan lang. Sakto lamang ang kinikita ng kanilang magulang para sa kanilang pang araw-araw na gastusin. At tuwing kumakain sila ng hapunan nakaugalian na nilang pamilya na kinukuwento ang nangyari sa kanila sa maghapon na iyon. “Kamusta ang araw n'yo ngayon? Ako ay maayos naman pero ang kita sa ating panaderya ay humihina na pero huwag n'yo nang isipa...