Sasaya pa ba?
Masaya at matiwasay na namumuhay sina Fatima sa maynila kasama ang kanyang ina, ama at ang kanyang kuya John. Si
Fatima ay nasa third year high school sa isang pribadong paaralan sa kanilang luagr.
Siya ay maganda, maputi, matalino, palakaibigan at masipag masasabi ngang nasa
kanya na ang lahat at napakaswerte ng taong mamahalin niya dahil mahusay siya
sa mga gawaing bahay. Ang kanyang kuya John naman ay parehas na
parehas sila ng katangian siya din ay gwapo, masipag at matalino. Siya ay nag-aaral at nasa second year college sa Architecture. Siya din ang tipo ng
taong bahay eskwelahan lang.
Sakto lamang ang kinikita ng kanilang magulang para sa kanilang pang araw-araw
na gastusin. At tuwing kumakain sila ng hapunan
nakaugalian na nilang pamilya na kinukuwento ang nangyari sa kanila sa maghapon
na iyon.
“Kamusta ang
araw n'yo ngayon? Ako ay maayos naman pero ang kita sa ating panaderya ay humihina
na pero huwag n'yo nang isipan pa ako ng bahala.”
“Ako naman ay
pagod dahil ang daming ginagawa sa opisina kanina.”
“Pagod din po
ako katulad ni mama dahil sa mga drawings na ginagawa, malapit na kasi ang
pasahan kaya kailangang tapusin.”
“Sa akin naman
po ay maganda ang araw ko ngayon.”
“Bakit naman?
Siguro may nagpapakilig sa iyo sa inyong eskwelahan. Sino yan ha?” pang aasar ng
kanyang kuya John.
“Huwag kayong
maniniwala kay kuya. Walang pong nagpapakilig sakin study first before
love. Masaya lang po ako ngayon dahil ako po ang Top 1 sa aming klase.”
“Wow! Naman
anak, napakagaling mo talaga. Proud kami ng iyong papa at iyong kuya.
Ipagpatuloy mo lang iyan anak.”
“Opo ma. Para
sa inyo po ang lahat ng pagsusumikap ko”
Dito na natapos
ang kanilang hapunan at kanilang kuwentuhan sa pagiging Top 1 ni Fatima sa klase.
Sabi nila
hindi araw-araw ay pasko. Dumating na ang mga pagsusubok na susubok sa tatag ng
kanilang pamilya. Tuluyan nang humina ang kanilang kita sa kanilang panaderya dahil sa marami
ng nakatayong bilihan ng iba’t ibang pagkain. Nagkaroon na rin ng bisyo ang
kanilang padre de pamilya, nalulong na ito sa pagkaka casino at bali-balita na
meron itong kinalolokohang babae. Nawalan na rin ng trabaho ang kanilang ina
dahil nagsara ang kanyang pinapasukang bangko dahil sa kinakasangkutang kaso.
Palagi na ring nagtatalo ang kanilang magulang dahil sa babae ng kanilang ama.
Minsan pa nga napagbubuhatan ng kamay ang kanilang ama ang kanilang ina kapag
ito ay nakainom at hindi nabibigyan ng pera pang casino.

Dahil sa mga
nangyayaring ito, napagdesisyonan ng kanilang ina na mangibang bansa para may
pang tustos para sa kanilang pangangailangan sa araw-araw. Maayos naman ang
trabaho ng kanilang ina sa isang pabrika ng pagawaan ng kemikal. Pero ang
perang pinapadala ng kanilang ina ay kulang para sa kanila dahil kinukuha ng
kanilang ama ang kalahati para sa kanyang bisyo kaya
huminto muna sa pag- aaral si John para makapag-aral si Fatima.
Pagkaraan ng
isang taon ng pagtatrabaho sa pabrika ng kanilang ina ay umuwi na ito kahit
hindi pa tapos ang kanyang kontrata sa kadahilanang nagkakasakit na ito. Sa pag
uwi ng kanilang ina sa kanilang bahay ay bigla siyang kinabahan dahil bukas ang
pinto at pagpasok niya ay may narinig siyang umuungol kaya sinundan niya ito
hanggang sa makarating siya sa isang kwarto. Pagbukas n'ya ng kwarto ay nakita
niya ang kanyang asawa na nakapatong sa isang babae. Sa galit n'ya dahil sa
kanyang nakita ay sinugod niya ang mga ito. Hinila niya ang buhok ng babae at
pinagsasampal niya sa mukha. Natigil na lang ang sakitan ng umawat ang kanyang
asawa. Nagmadaling nagbihis ang babae at umalis na ito kaagad sa bahay. Sa
pagkawala ng babae ay bigla niyang sinampal ang kanyang asawa sa magkabilang
pisngi.
“Walang hiya
ka! Kadiri ka! Tiniis ko ang lahat ang sakit, pagod, panloloko at bisyo mo.
Bakit mo nagawa sa akin ito? Binigay ko naman ang lahat, kulang pa ba para
maghanap ka ng iba?”
“Syempre
lalaki ako may pangangailangan din ako. Wala ka kaya naghanap ako ng iba.”
“Wow ha! Ako
pa ang sisihin mo! Ang lakas naman ng loob mong idala ang babae mo dito sa
bahay at gumawa ng kabastusan. Ano na lang ang sasabihin ng mga anak mo
kapag nakita nila kayo. Umalis kana dito
ayaw ko ng makita iyang pagmumukha mo, mgsama kayo ng babae mo. Layas!”
At umalis na
nga ng bahay ang kanyang asawa. Pagdating naman ni Fatima sa bahay ay nakita
n'ya ang kanyang ina na nakahiga sa sahig ng walang malay kaya tinawagan niya
ang kanyang kuya John para sabihin ang nangyari at dali-dali namang umuwi si
John. Itinakbo nila sa ospital ang kanilang ina at napag alaman nilang may sakit
ito sa puso at baga at nasa stage 4 na. Dalawang buwan na sila sa ospital.
Nagkautang utang na din sila, ang kanilang panaderya ay naibenta na. Nagkautang
na rin ang kanilang ama sa kanyang kaibigan pero bigo pa rin silang mailabas
ang kanilang ina sa ospital. Hanggang sa namatay na lang ang kanilang ina. Ang
masakit ay hindi nila makuha ang bangkay ng kanilang ina sa punerarya dahil
wala silang pagbayad dahil ang pagbayad sana ay ipinang casino ng kanilang ama
at ito ay natalo lahat. Dahil wala ng maisip na paraan para magkaroon ng pera
si John ay kumapit na ito sa patalim. Nagbenta na ito ng droga na kahit labag
ito sa kanyang kalooban ay ginawa n'ya pa rin para makuha na ang bangkay ng kanilang ina.
Nakuha na
nila ang bangkay ng kanilang ina sa punerarya. Madami rin ang pumunta na
nakiramay,mga kapitbahay, katrabaho ng kanilang ina noon sa bangko, mga
kaibigan ni Fatima at John, at ang kanilang ama. At hindi nila inaasahan ang
pagsigaw ni Fatima sa kanyang ama.
“Ang lakas
naman po ng loob niyong magpakita dito. Dahil sa iyo, dahil sa pangbabae mo, sa
mga bisyo at ang pera para sa pagkuha sana ng bangkay ni mama ay ginamit mo pa
sa pagkacasino mo. Kung hindi mo po sana
ginawa ang lahat ng ito edi sana buhay pa si mama, edi sana buo pa tayo, buo pa
ang pamilya natin at wala na sanang mangyayaring ganito. Napaka selfish mo pa.”
ito na lang ang nasabi ni Fatima dahil sa galit.
“Patawad mga
anak, patawad Fatima. Dahil sa mga nagawa kong mga pagkakamali nagkakaganito
tayo. Tsaka kaya ko lang naman naisugal ang pera para sa pagkuha ng bangkay ng
mama n'yo ay gusto kong madagdagan ang pera para maibili ko naman ng magandang
ataol, bulaklak at maayos na libingan ang
inyong ina dahil nagsisisi na ako sa mga nagawa ko sakanya, na kahit iyon man
lang ay maibigay ko pero natalo ako, lahat ng pera ay naubos dahil sa akin. Oo,
napakaselfish kong tao, wala akong kwentang ama at asawa pero ngayon gusto ko
lang sabihin sa inyo na nagsisisi na ako. Kaya John, Fatima sana mapatawad n'yo
ako.”
“Mapapatawad
naman po kita pa, pero hindi pa sa ngayon dahil masakit pa rin, nandito padin
ung sugat na inyong nagawa. Maaayos din po tayo sa tamang panahon.”
“Maghihintay
ako anak sa tamang panahon na iyan. Kahit gaano katagal titiisin ko mapatawad
n'yo lang ako dahil mahal na mahal na mahal ko kayo at ang inyong mama. Asahan niyo mga anak na sa
tamang panahon na iyan ay tulad na ako ng dati niyong ama.”
Sa araw ng kanilang babang luksa sa kanilang ina ay iyon
din ang araw na napatawad na nila ang kanilang ama. Pero hindi pa din natatapos
ang kamalasan sa buhay ni Fatima. Ang kanyang ama ay nahatulan ng 6-10 na taon
ng pagkakabilanggo dahil sa krimen na hindi naman niya nagawa. Ang kanyang kuya
John ay sumunod naman sa kanilang ina dahil sa tinago niyang sakit na Leukemia
o Cancer sa dugo. Si Fatima naman ay naipakasal sa taong hindi siya mahal dahil
sa utang ng kanilang ama. Araw-araw lasing itong umuuwi, na araw-araw lagi
siyang sinisigawan at binubugbog, na araw-araw pinaparamdam niya itong walang
kwentang asawa si Fatima, na araw-araw may inuuwing babae ang kanyang asawa sa
kanilang bahay. Sa kabila ng lahat ng ito ay tinitiis pa rin ni Fatima ang lahat
ng sakit at hindi siya sumusuko dahil umaasa siya, umaasa siyang magbabago rin
ang kanyang asawa katulad ng kanyang ama.
Na magiging parehas din sila ng nararamdaman at balang araw mamahalin
din siya ng taong mahal niya. Na mararanasan niya rin ang binabasang fairy tales ng kanyang ama noong bata pa siya na ang kanyang asawa ngayon ay ang magiging
prince charming n'ya, na in the end they live happily ever after.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento