Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Oktubre, 2017
Buwan ng Wika: “FILIPINO: WIKANG MAPAGBAGO” Magandang hapon mga minamahal kong guro, estudyante at manonood. Noon ay kasali lang ako sa mga nagtatanghal tuwing Buwan ng Wika dito sa ating paaralan pero ngayon ako ay nasa inyong harapan na napili bilang magbigay mensahe para sa programang ito. Wikang Filipino ang pambansang wika  at isa sa mga opisyal na wika  ng Pilipinas  . Napakahalaga ng wikang Filipino dahil dito madali tayong nagkakaunawaan at nagbibigay ito ng magandang ugnayan hindi lang sa kapwa Pilipino pati ang mga banyaga na gumagamit nito. Noong 1997, sa bisa ng Proklamasyon Bilang 1041, idiniklara ni Pangulong Fidel Ramos na ang selebrasyon ng Wikang Filipino ay magaganap na sa buong buwan ng Agosto. Kaya kada taon pinaghahandaan ito ng lahat ng paaralan, mapa-elementarya, sekondarya at pati kolehiyo. May iba’t-ibang pwedeng ipresenta tuwing Buwan ng Wika katulad ng paglikha ng jingle, pagkanta, sabayang pagbigkas, pagtatalumpati, pagsayaw at pa...
Imahe
Alaala Sabi nila kapag mahal mo gagawin mo ang lahat gaano man ito kahirap. Pero hanggang saan ang kaya mong gawin  sa taong mahal mo na hindi ka na maalala.  “Sino ka? Anong pangalan mo?” “Ako si Mae, asawa mo ako at may isang anak na tayo si Sophia.” “Asawa kita? Paano?” “Ganito ang relasyon natin mahal, teka at ikukuwento ko.” May dalawang  estudyante na magkasalungat  sa lahat ng bagay pero sa hindi inaasahang pangyayari sila ay nagtagpo pero itinadhana. Sila ay nag-aaral sa pribadong paaralan at sila ay nasa sekondarya na. Si Mae ay wala sa kanyang katangian ang pinapangarap ng mga lalaki katulad ng magandang mukha, sexy na katawan, kaputian at ang tanging maipagmamalaki na lang n’ya ay ang kanyang konting katalinuhan.  Lagi rin siyang nahuhusgahan dahil sa kakaibang itsura n’ya at para siyang hangin na hindi nakikita. Kabaligtaran naman ito ni Randy, siya ay gwapo, singkit ang mga mata, kulot ang buhok, maputi, matalino lalong lalo sa mat...