Classmates By: JAMICH Lahat tayo ay may kanya-kanyang matalik na kaibigan. Yung iba nasisira ang kanilang pagkakaibigan dahil may namuong bawal na pagmamahalan at yung iba ay mas tumatatag ang kanilang relasyon bilang matalik na magkaibigan dahil parehas sila ng nararamdaman. Pero kung ikaw ang tatanungin, ipagtatapat mo ba ang iyong nararamdaman dahil baka sakaling gusto ka rin o hahayaan mo na lang at itago ang lahat para hindi masira ang inyong pagkakaibigan? “Bro, paano ba manligaw?” Tanong sa akin ni Neo “Bakit bro, gusto mo bestfriend ko noh?” ang sagot naman ni Jam “Halata ba bro, pero tingin mo may pag asa pa ako sa bestfriend mo? “Meron yan. Bro, alam mo sa panliligaw huwag mong isipin kung ano ang sasabihin niya o sasabihin ng iba, uhmm ipakita mo na sincere ka na totoo ang lahat ng iyong sinasabi at ginagawa dahil diyan makikita at magugustuhan ka ng isang tao.” Habang nagkukuwentuhan sina Jam, Neo at Rojean ay dumating si Mich at pinaupo siy...
Mga Post
Ipinapakita ang mga post mula sa Disyembre, 2017
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Pangarap Ang edukasyon ang tanging yaman na maibibigay ng mga magulang sa kanilang anak na hindi nanakaw sino man. Ang edukasyon ang isa sa mga maraming sandata para mag tagumpay sa buhay. At ang edukasyon ay puwedeng maging instrumento para makatulong hindi lang sa ating pamilya kundi pati sa ating mga kapwa tao. Tinititigan ko ang aking larawan noong grumadweyt ako ng hayskul at naalala ko ang taong naging inspirasyon ko kung bakit masaya ako sa araw na ito at kung paano nabago ang pananaw ko sa buhay. Ika- 26 ng Marso taong 2008 ito ang araw ng aming pagtatapos sa sekondarya. Halo- halong emosyon ang aming nadarama sa araw na ito. Masaya dahil sa apat na taong pagsususumikap ay nakapagtapos na kami at nalagpasan na namin ang isang yugto ng pag-aaral. Malungkot naman dahil iiwanan na namin ang aming naging pangalawang tahanan ng apat na taon at gagawa ng panibagong alaala. “Nais kong ipakilala sa inyo ang ating pangunahing pandangal sa araw na ito. Siya ay nagtapos ...