Classmates
By: JAMICH
Lahat tayo ay may
kanya-kanyang matalik na kaibigan. Yung iba nasisira ang kanilang pagkakaibigan
dahil may namuong bawal na pagmamahalan at yung iba ay mas tumatatag ang
kanilang relasyon bilang matalik na magkaibigan dahil parehas sila ng
nararamdaman. Pero kung ikaw ang tatanungin, ipagtatapat mo ba ang iyong
nararamdaman dahil baka sakaling gusto ka rin o hahayaan mo na lang at itago
ang lahat para hindi masira ang inyong pagkakaibigan?
“Bro, paano ba
manligaw?” Tanong sa akin ni Neo
“Bakit bro, gusto mo
bestfriend ko noh?” ang sagot naman ni Jam
“Halata ba bro, pero
tingin mo may pag asa pa ako sa bestfriend mo?
“Meron yan. Bro, alam
mo sa panliligaw huwag mong isipin kung ano ang sasabihin niya o sasabihin ng
iba, uhmm ipakita mo na sincere ka na totoo ang lahat ng iyong sinasabi at
ginagawa dahil diyan makikita at magugustuhan ka ng isang tao.”
Habang nagkukuwentuhan
sina Jam, Neo at Rojean ay dumating si Mich at pinaupo siya ni Jam sa gitna nila
ni Neo. Biglang kinilig si Neo dahil nakatabi niya si Mich. Gustong magpahatid
ni Mich kay Jam pero gaya ng ginagawa nila dati, nagbato bato pick sila at kung
mananalo si Mich ay ihahatid siya ni Jam at kung manalo naman si Jam ay hindi
niya ito ihahatid. Nagbabato bato pick na sila.
Nagulat ako dahil si
Jam ay scissor at ako ay paper. Ulitin natin gusto kita makasama sa pag-uwi.
"Ulit, madaya ka eh”
ang sinabi ni Mich para baka sakaling matalo niya si Jam.
“Oh sige, pagbibigyan
kita.” ang sagot naman ni Jam
“Pano ba iyan, talo
ka ulit next time na lang Mich.”
“Sige pare, next time
ako na mananalo hahaha.”
Nagmemeryenda sina
Jam, Mich, Neo at Rojean sa canteen at napagkukuwentuhan na rin nila kung ano
ang magiging topic nila para sa kanilang reporting.
“May topic na kayo?” tanong
ni Mich sa kanila
“Family sakin.” Sagot
ni Rojean
“Environment naman sa
akin.” Sagot ni Neo
“Love ang sa akin.”
Pagmamalaki ni Jam
“Paano ka ba sasagutin
ng taong nililigawan mo?” singit ni Neo at sabay tingin kay Mich.
“Harap harapan bro
konting hiya naman diyan. Pero ito ang gusto ni bestfriend sa isang lalaki,
gusto niya yung lalaking makulit, mapang asar at hindi torpe.”
Nagulat si Mich sa
pagbukas ng kanyang locker dahil may nakita siyang Roses at may nakasulat na Im
afraid to say I Love You. Pagkatapos ng nakita ni Mich sa kanyang locker ay
dumating si Neo para ipagtapat ang kanyang nararamdaman.
“Mich pwede bang
maging tayo?”
“Paano ba ito, uhmm
Neo I appreciate the love pero sorry kasi yung love ko sa iyo ay bilang friends
lang.”
“may iba kanang mahal
noh?”
Alam na kaya ni Neo
na gusto ko ang bestfriend ko na si Jam. Iniisip ito ni Mich.
Kinausap na ni Neo si
Jam at sinabi niya na ang lahat ng nangyari sa kanila ni Mich. Iniiwasan na rin
ni Mich si Jam dahil baka totoo ang kanyang iniisip na alam ni Neo ang
nararamdaman niya kay Jam at sinabi niya ito. At isa pang dahilan kaya
iniiwasan ni Mich si Jam ay natatakot siyang malaman ang tunay na nararamdaman ni Jam sa kanya at baka
kabaliktaran ito sa kanyang nararamdaman.
“Ang topic ko ngayon
ay Love, napili ko ang love dahil kaya ginawa tayo ni Lord ay para magmahalan.
Mahalin natin ang ating pamilya, kaibigan at pati ang ating mga classmates. Sa
ganitong edad feeling ko mas nagiging mahal natin ang mga taong nasa paligid natin
araw-araw katulad ng ating pamilya at mga kaibigan. Minsan ang pagmamahal
kunwari malakas ka mahina ka pala, kunwari matapang ka duwag ka lang pala
ginawa mo lang na maging matapang ka dahil ayaw mong masira ang inyong binuong
pagkakaibigan. Minsan ang love kailangan mo ring mag sakripisyo."
“Matagal ko ng
gustong sabihin ito pero natatakot ako baka masira ang pagkakaibigan natin pero
ngayon magiging matapang na ako at sasabihin ko na ang totoo kahit anong
mangyari sana magkaibigan pa rin tayo.”
“Mich”
“Mahal na mahal kita
pare.”
Gustong malaman ni
Jam kung parehas sila ng nararamdaman kaya sinabi niya na mag bato bato pick
sila at kung mananalo si Mich ay may pag asa at kung matatalo naman ay wala
siyang second chance. Kay Jam ay papel at kay Mich naman ay bato kaya nalungkot
si Jam pero biglang ginawang gunting ni Mich ang bato na kanina niyang isinagot
sa kanilang bato bato pick at napalitan ng ngiti ang malungkot na mukha ni Jam
dahil may pag asa na ito.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento