Mga Post

Classmates By: JAMICH Lahat tayo ay may kanya-kanyang matalik na kaibigan. Yung iba nasisira ang kanilang pagkakaibigan dahil may namuong bawal na pagmamahalan at yung iba ay mas tumatatag ang kanilang relasyon bilang matalik na magkaibigan dahil parehas sila ng nararamdaman. Pero kung ikaw ang tatanungin, ipagtatapat mo ba ang iyong nararamdaman dahil baka sakaling gusto ka rin o hahayaan mo na lang at itago ang lahat para hindi masira ang inyong pagkakaibigan? “Bro, paano ba manligaw?” Tanong sa akin ni Neo “Bakit bro, gusto mo bestfriend ko noh?” ang sagot naman ni Jam “Halata ba bro, pero tingin mo may pag asa pa ako sa bestfriend mo? “Meron yan. Bro, alam mo sa panliligaw huwag mong isipin kung ano ang sasabihin niya o sasabihin ng iba, uhmm ipakita mo na sincere ka na totoo ang lahat ng iyong sinasabi at ginagawa dahil diyan makikita at magugustuhan ka ng isang tao.” Habang nagkukuwentuhan sina Jam, Neo at Rojean ay dumating si Mich at pinaupo siy...
Pangarap Ang edukasyon ang tanging yaman na maibibigay ng mga magulang sa kanilang anak na hindi nanakaw sino man. Ang edukasyon ang isa sa mga maraming sandata para mag tagumpay sa buhay. At ang edukasyon ay puwedeng maging instrumento para makatulong hindi lang sa ating pamilya kundi pati sa ating mga kapwa tao. Tinititigan  ko ang aking larawan noong grumadweyt ako ng hayskul at naalala ko ang taong naging inspirasyon ko kung bakit masaya ako sa araw na ito at kung paano nabago ang pananaw ko sa buhay. Ika- 26 ng Marso taong 2008 ito ang araw ng aming pagtatapos sa sekondarya. Halo- halong emosyon ang aming nadarama sa araw na ito. Masaya dahil sa apat na taong pagsususumikap ay nakapagtapos na kami at nalagpasan na namin ang isang yugto ng pag-aaral. Malungkot naman dahil iiwanan na namin ang aming naging pangalawang tahanan ng apat na taon at gagawa ng panibagong alaala. “Nais kong ipakilala sa inyo ang ating pangunahing pandangal sa araw na ito. Siya ay nagtapos ...
Buwan ng Wika: “FILIPINO: WIKANG MAPAGBAGO” Magandang hapon mga minamahal kong guro, estudyante at manonood. Noon ay kasali lang ako sa mga nagtatanghal tuwing Buwan ng Wika dito sa ating paaralan pero ngayon ako ay nasa inyong harapan na napili bilang magbigay mensahe para sa programang ito. Wikang Filipino ang pambansang wika  at isa sa mga opisyal na wika  ng Pilipinas  . Napakahalaga ng wikang Filipino dahil dito madali tayong nagkakaunawaan at nagbibigay ito ng magandang ugnayan hindi lang sa kapwa Pilipino pati ang mga banyaga na gumagamit nito. Noong 1997, sa bisa ng Proklamasyon Bilang 1041, idiniklara ni Pangulong Fidel Ramos na ang selebrasyon ng Wikang Filipino ay magaganap na sa buong buwan ng Agosto. Kaya kada taon pinaghahandaan ito ng lahat ng paaralan, mapa-elementarya, sekondarya at pati kolehiyo. May iba’t-ibang pwedeng ipresenta tuwing Buwan ng Wika katulad ng paglikha ng jingle, pagkanta, sabayang pagbigkas, pagtatalumpati, pagsayaw at pa...
Imahe
Alaala Sabi nila kapag mahal mo gagawin mo ang lahat gaano man ito kahirap. Pero hanggang saan ang kaya mong gawin  sa taong mahal mo na hindi ka na maalala.  “Sino ka? Anong pangalan mo?” “Ako si Mae, asawa mo ako at may isang anak na tayo si Sophia.” “Asawa kita? Paano?” “Ganito ang relasyon natin mahal, teka at ikukuwento ko.” May dalawang  estudyante na magkasalungat  sa lahat ng bagay pero sa hindi inaasahang pangyayari sila ay nagtagpo pero itinadhana. Sila ay nag-aaral sa pribadong paaralan at sila ay nasa sekondarya na. Si Mae ay wala sa kanyang katangian ang pinapangarap ng mga lalaki katulad ng magandang mukha, sexy na katawan, kaputian at ang tanging maipagmamalaki na lang n’ya ay ang kanyang konting katalinuhan.  Lagi rin siyang nahuhusgahan dahil sa kakaibang itsura n’ya at para siyang hangin na hindi nakikita. Kabaligtaran naman ito ni Randy, siya ay gwapo, singkit ang mga mata, kulot ang buhok, maputi, matalino lalong lalo sa mat...
Negatibong epekto ng K to12 program Magdadalawang taon na simula ng ipatupad ang programang K to 12 pero marami pa rin sa atin ang hindi tanggap ang bagong sistemang ito ng edukasyon kahit ngayon naipatupad na. Kabilang dito ang mga ibang guro, estudyante, magulang at ibang mambabatas. Para mas malaman natin kung ano nga ba ang K to 12 program at kung bakit hindi tanggap ng ibang mamamayan ay maglalahad ako ng impormasyon ukol dito. Ang Kto12 Program ng gobyerno ng Pilipinas ay tumutukoy sa pagkakaroon ng mandatory o required na kindergarten at karagdagang 2 taon sa 10-year Basic Year Cycle. Kung noon, pagkatapos ng anim na taon sa elementarya at apat na taon sa hayskul (kabuuang 10 taon) ay maaari nang makapagkolehiyo ang mga estudyante. Sa ilalim ng Kto12, bago makapagkolehiyo, kailangan pa nilang dumaan sa karagdagang 2 taon pagkatapos ng apat na taong hayskul. Sa bagong Sistema, tinatawag na senior high school o junior college ang karagdagang 2 taon. Ang apat na taon s...